Friday, December 30, 2016

Ang tunay na cosplayer ay may malaking costume

Nung unanag panahon, lingid sa kaalaman ng nakararami, may malalaking robot na costumes tayo. 
akala nila basta sinabing early 2004 -2008 cosplay, puro maliliit at simpleng costume lang meron ang pinas. 

pwes nagkakamali kayo!  presenting our stigg gallery of malalaking costumes!

eto si RB cheng, tunay na cosplayer. 

gumagawa sya ng malalaking cosplay
+99 dahil may kasama syang chix sa picture.
+10 din dahil parang nagulat ang bibig ng deathsaurer sa nakita nya.

Hindi lang humanoid na cosplay ang kaya nya. kaya nya din ang mga costume na may 4 na paa.


At syempre, kung palakihan lang ang labanan, hindi sya magpapatalo.  kung ang mga taga ibang bansa, may costumes na 7 feet.... aba etong sa kanya may 8 feet na gundam!! inuulit ko! 8 feet nakngtupa naman o! ewan ko nalang kung di ka pa mamangha sa ganyang costume. bihira ka makakita ng 8feet na costume oy! +9999 na agad yan pag nakakita ka!

Heto pa ang ilan pa sa mga cosplayers ng pinas na above 6 feet ang cosplay!



 stigggggggg

 +88 dahil sa good quality ng leggings. mahirap humanap ng babagay sa 6 feet na cosplayer
 +777 dahil anonymous sya at nakatakip ang mukha.

akala nyo katana lang ang may lampas 8feet ala sephirot no? o! ano kayo ngayon!! 

hahahaha stiggggg.
wala lang magawa. happy new year mga tunay na cosplayer!!


Sunday, December 4, 2016

Huling paalam para sa kataas-taasang Tunay na Cosplayer ng ating panahon.

Putangina. aaaahhh shit.....

yan ang pambungad natin sa entry na to dahil yan ang paborito nyang reaction kapag nagkakausap o naglalaro kami.

tangina. Ang blog na to ay tungkol sa mga tunay na cosplayer, at hindi maipagkakaila na ang taong ito ay isang sa mga epitome ng pagiging tunay na cosplayer.

Ang tunay na cosplayer ay laging may kaaway. oo may kaaway sya lagi dahil mahilig sya maglaro ng LOL, Overwatch atbp, marami man syang kaaway dun, kaibigan din nya ito.

+99 pa sa kanya dahil nakikipagmurahan sya samin, pero ito ay sign ng paglalambing
+999 dahil nakapagmura na sya ng mga cosplayer mula luzon, visayas, mindanao, singapore at malaysia, ng hindi nagtatanim ng galit sa kanya.

Tunay na cosplayer na mukha ng pagkakaibigan na walang pinipiling edad, nationality, sex o kung ano ano pang shit.


Kilala ng marami, at nakapagpasaya ng marami.
+99 dahil marami syang inampon na anak at apo, na kadalasan ay mas matanda sa kanya.

At katulad ng mga kapwa nya tunay na cosplayer, may trademark sya.
+10 sa mahiwagang headgear nya na madalas bonnet or teemo hat.
+15 sa polo nyang suot
+99 sa mahiwagang backpack na na naglalaman ng mga misteryosong gamit kagaya ng mga delata galing sa department store, extra bonnet, extra polo, pasalubong at kwentong mapapagsaluhan nyo kakatawa.


Halatang halata ang puwang dahil sa pagkawala nya lalo na sa mga iniinvite nya madalas sa mga laro. +10 kapag naka on ang gtalk nyo at nagmumurahan na kayo habang tumatawa


hindi na din natin sya makikita sa con at sabay na pagtitripan ang mga kapwa natin cosplayer, lalo na yung isang naumay tayo sa kaka-rant post.

hindi na natin sya makikita sa backstage at makakakwentuhan ng mga sexy tings at kung ano ano pang nakakatawang bagay.



Pero pag nalungkot tayo, dadalawin nya tayo sa panaginip natin, at sasabihan ka ng, "tama na ang kaka emo-shit mo" sabay tatawa ng malakas naalala ko yung pangaasar mo sa 0 lovelife ko nun at yung pilit mo inililink sakin shit ka.

Naging busy man ako for the past months at likod mo lang ang nakita ko ng personal nitong taon na to, sobrang mamimiss kita.

Lagi kitang aalalahanin kapag maglalaro na ulit ako ng LOL at overwatch. At once in a while Icocosplay kita with your signature bonnet shirt, bag at sneakers.


Sa dami ng natulungan mong itaas ang self esteem, sa dami ng inassist mo, sa lahat ng taong pinatawa mo, sa lahat ng pagdududa sa sarili na tinatanggal mo sa mga kapwa cosplayer natin;

Isa kang tunay na cosplayer hanggang langit pots.
Stiggg.... Stig ka talaga kahit sa huling linggo mo sa mundong ito matatag ka pa din at di mo pinag alala ang mga kaibigan mo.

Paalam Bai.


RIP POTS.



Thursday, October 15, 2015

Pano ba swertehin ang mga Tunay na Cosplayer?

Tol, may swerte ba sa cosplay?
Yan ang madalas itanong ng mga Tunay na cosplayer.
akala nila dito mo mahahanap ang swerte, giginhawa ang buhay mo, sisikat ka sa pagcocosplay.
Sasabihin ko sayo, hinde! naka depende pa din sayo ang swerte mo sa pagcocosplay.

Una sa lahat, para swertehin, wag kang susuko. dapat up all night to get lucky. Ang tunay na cosplayer ay hindi natutulog! shout out sa mga nagrarush para sa fantasy quest! hehehehe

Tapos, regular na manood kay zenaida zeba at madam auring para malaman kung ano ang maswerteng horoscope. ang maswerteng sign ngayon ay saguittarius.

 

Iwasan din ang paniniwala sa pamahiin ng unlucky 13. dahil lumang pamahiin na yun. ang friday the 13th ay paminsan minsang natatapat sa araw ng sweldo kaya stigg na din yun. swerte yun... at eto pa ang isang patunay na stigg ang friday the 13th.
 

Minsan, kailangan mo din manalangin sa mga sinasamba mo para ulanin ka ng swerte.





Pero effective din yung mga lucky charm.




 example, charming personality, charm-mander at iba pang charm.  +7 pag nagets mo yung joke na korni.
+10 kapag pumasok sa isip mo yung charm ni AHRI. di na ko magpopost ng picture nun para magimagine ka kung kaninong cosplay version ang pinapantasya mo. 


 If all else fails, daanin mo nalang sa dragon dance. Pinaka malakas pa din talaga ang epekto ng swerte pag involved ang feng shui, chinese astronomy, chinese zodiac, chinese team member, lee kum kee, choc tong, chin chan su at kung ano ano pang mga chinese stuff.


Heto ang link ng nasabing dragon dance. lakihan natin ang font ng LINK!!
oo nga pala, chinese din ang pinagkuhaan ko ng picture na to bwahahaha stigggg....


bonus, swerte ka kapag stigg ka......
ayan o, picture ng tunay na stigg osaurus



Thursday, October 8, 2015

Sandata ng tunay na cosplayer

Ang tunay na cosplayer, bukod sa dapat marunong gumamit ng malalaking sandata, dapat maalam din sya sa mga ibang uri ng pakikidigma.

Bukod sa video call, Media call at India call, dapat alam din nya ang kaibahan ng tentacool at tentacruel.

Ang tunay na cosplayer, Tignan palang ang costume, maraming tao na ang napapaligaya.

 
Nakakatawa ito dahil Joker ang tawag dyan. Dalawang beses pa kayong matatawa dahil ang form na yan ay JOKER JOKER! oha! stiggg... parang bayani ag bayani o kaya bernardo bernardo..... ang TINDI TINDI!!! hanep! tara sumigaw kayo mga kamen rider fans.


Pero bukod pa dun, dapat kumikinang ang costume mo!
MAKINANG INANG YAN! nakakainggit yang ganyang costume!
sabi nga nila, not all that glitter is gold. minsan bold... este seafood.
hindi yan cool. tentacoooool yan. 

Speaking of the sea... anak ng pating!

 Ang tunay na cosplayer, nagpapahawak ng props! lalo na kapag yung mga nagpapapicture sa kanya ang nagrequest!

Teka, alam na natin kung san mapupunta to kapag japanese theme tapos may tentacles.


Hahaha o yan, medyo safe for work picture naman!grabe ang tangkad talaga ni ying tze. She's so High, even if she's cherry LO.
Stiggg.... +10 pag tumawa kayo kahit pilit.


Basta kung ano't ano pa... si Gibs ay tunay na cosplayer dahil nagpapahawak sya ng props!


Gawaing pang tunay na cosplayer ayon sa Team BAN X KAI

May mga bagay tayong marerealize habang tumatagal tayo sa pagcocosplay.
Magastos ang costume. 
Mahirap magcompete.
Nakakaurat magpractice.
Mahal magmahal.
libre magmura.
at higit sa lahat.... Mahal ang pamasahe.


AAAHHHH BASTA!

1. ang tunay na cosplayer ay nagaabang ng pisofare para makakuha ng murang plane ticket papunta sa iba ibang cosplay convention.

Bespren ng mga tunay na cosplayer ang cebu pacific.

2. ang tunay na cosplayer ay mahilig sa sale ng hardware at iba pang school supplies!
3. at ang tunay na cosplayer ay mahilig magbitaw ng korni na joke.
+ 50 kapag tungkol sa WIP ang joke.
+99 kapag nagets nyo yung nae nae.
+100 kapag kumanta kayo ng watch me, watch me...

Kaya masasabi nating tunay na cosplayer ang team BAN KAI.
bukod na sa kumikinang na award nila bilang champion, hindi din sila sumusuko.
ang tunay na cosplayer ay hindi sumusuko sa laban! sige sugod! ipanalo nyo ngayong taon sa AFA!

kulang pa ba yung mga usual +points + points ko?

o sige, +30 sa pagiging tunay na cosplayer nila dahil hindi sila natutulog!
+10 kapag sabaw na mga hastag nila! ANO YANG FATHERCOCK??!!
Ayos na ni? may duagang pa ko di?

Support daw! gamitin natin to as cover photo:
Dahil ito ang TAMA


Stiggg?
Stiggg.....


Tuesday, October 6, 2015

Tunay Na Cosplayer special moves: SPINNING BEARD KICK!

HERE COMES A NEW CHALLENGER!!

mula sa linya ng ating matipunong ninuno na si Drefan. sumunod sa yapak ng masisikip na jumper at pony tail ni Zeek.

heto ang bago, mainit init pa!
Naghuhumiyaw at pumipintog pintog!

LADY BEARD!!



hindi po kulay Bearde and dugo nya.
Oo, pwede nating sabihing malaki ang Beard nya. pero bawal daw hawakan. don't touch my beardy


Tunay na tunay na tunay na cosplayer yan
dahil
1. Galit sa camera.

2. +99 Sumisigaw ng galit sa camera

3. +20 dahil bumibitbit ng chix habang galit sa camera

4. at meron syang malaking, treasure chest.

5. Kamukha nya si YAYA HAN!! de joke. hahahaha


SPINNING BEARD KICK!!!

Magandang matchup to!
drefan vs Lady beard! what say you??
STIGGG??!! STIGGG...

Tunay na cosplayer moment: Saluhin mo ang puso ko!

sa cosplay events, madalas intense ang emotions.
sa sobrang intense sparks are fyling.
hindi lang sparks, pati confetti, siomai, styro, props at kung ano ano pa.

pero eto ang isa sa pinaka stiggg sa lahat.
salong salo mo ang emosyon! hanep!

+50 sa pagiging tunay na cosplay dahil ang tunay na cosplayer, magaling mag emote sa camera.
tunay na cosplayer ka din kung mala-butterfly return ang pagsalo mo sa poster.

at ayon sa special rule: walang batas na nagbabawal sa isang tunay na cosplayer na mahalin ang tarpaulin, poster o kahit ano mang bagay na galing sa mga iniidolo nila.

stig ba?

stigggg....

Ngiting pang tunay na cosplayer. simulan na ang alamat.

Nako, dumaan na pala ang cosplaymania.

madaming cosplayer ang dumagsa kaya heto, ififeature natin yung mga dumayo pa talaga galing ibang lugar.

ang CDO ay hindi lang pang corned beef, ulam burger at hotdog. pang cosplaymania pa!! stigggg....
*unblockable joke: "CDO, we find ways" 
 osha, eto na ang tunay na cosplayer spolight natin.
literal na spotlight to dahil sa spolight ni LUX.
sino nga ba si lux?
isang character ng LOL na laging kumikinang.

Makinang ang damit.



















Makinang ang accesories.



Makinang ang skills.

https://www.facebook.com/errorix666/videos/886166661420202/

pati ang smile makinang!


aba pati ang award makinang! CONGRATS!



basta ayan, kitang kita ang pagiging in character.
+50 pa sa pagiging tunay na cosplayer kapag nahakot mo ang kapatid mo na tulungan ka onstage.
+30 para sa hentai kamen

 +999 para sa spelling!!! hanep!

Hey girl, you Roca my world!

Makinang inang yan. ang korni ng banat ko! stiggg....

+500 kapag ang pangalan nya ay katunog ng isa sa pinaka kakaibang komedyante....ryan rems.

Wooooo! ROCa nd ROLL to the world!

stigg ba? stiggg.... oraytt..

Sunday, August 23, 2015

Pacargo boys: Tunay na cosplayer

Nasabi ko nga sa nauna kong article na ang TUNAY NA COSPLAYER, minsan sa buhay nya ay nananakawan/nawawalan ng gamit kahit na nakalagay man ito sa bag o sa cargo.

At alinsunod sa ating mga rules:
1. Ang tunay na cosplayer ay galit sa camera.
2. Ang tunay na cosplayer ay laging in character.



O, eto pang bonus:

Isang pagbabanta sa CUSTOM....PADILLA....
CUSTOM PADILLA.... yan na yung korni joke ko kaya ibig sabihin, tapos na ang blog entry ko.

stig? stiggg...



Tunay na Cosplayer moment: Kailan ba dapat mag beastmode?

Kapag cosplayer ka, sigurado madami kang dalang gamit sa event.
OO, tunay na cosplayer ka kapag may isang bag ka na laman ang mga sumusunod:

1. repair kit para sa costume.
2. extra damit.
3. black suit(kapag mech cosplayer ka +50)
4. trash bag.(normal lang yan kapag ginawa mong lalagyan ng costume pero +100 kapag yun mismo ang ginawa mong costume!)
5. nagkalat ang extra barya at cash, you know... pambayad sa entrace
6. makeup... kung babae ka, ok yan.(hindi ka din namin huhusgahan kung lalake ka)


pero kapag lumampas na ng isang bag ang dala mo, ibang usapan na yan!
Ikaw ay tunay na cosplayer na!

pero bag palang nga tinatarget na ng mga magnanakaw sa event e. pano pa kaya yung malalaki ang bag?

kaya eto, ang article na ito ay para sa iyo mehn.
Ang tunay na cosplayer ay madalas nawawalan ng gamit sa isang convention.

mga halimbawa ng nawawalang gamit pang tunay na cosplayer:
- pera(oo! ang mahal kaya ng pagkain sa loob ng hall!)
- wallet
- plastic na lalagyan ng costume
- damit(madalas babae ang nawawalan nito by coincidence)
- bote ng greco(nako! mabait kasi tayo sa mga tropa)
- Pasensya (OO! madalas nakakawala ng pasensya lalo na pag ang haba ng pila!)
- props/weapon dahil stigg ito.
- costume. oo, costume! costume na mismo!

pero eto ang malupet! buhay rakstar ang mga hinayupak na magnanakaw!
aba akalain mong hindi lang maliit na costume ang naitakas.

subterranean nautilus pa!


nakakapanghinayang ang costume ma mehn...
pero eto ang sinisigurado ko, Ikaw ay 100ng pursyentong TUNAY NA COSPLAYER!
+99 kapag may dragon na may tatong sisiw ka.
+100 pts kapag sobrang saya mo dahil nanalo ka, tapos nawala ang costume orayt sa orayt ang mixed emotions.



PUTANGINA! BEASTMODE AKO SA MGA GANYANG PANGYAYARI.
PUTANGINA HINDI NAMAN MAISUSUOT SA EVENT YANG NINAKAW NYO DAHIL MAHUHULI KAYO. DI DIN PWEDE IBENTA.

*insert napapanahong korni joke:
"Hi, kami ang pabebe nautilus costume, at hindi nyo kami mapipigilan kung lalabas kami sa event kahit wala ang may ari namin!!"

lintek! ang nagnakaw ng stiggg na costume na ito ay hindi tunay na cosplayer! gumawa ka ng sarili mong nautilus!

p.s. napag alaman ko na ang mga bouncer daw sa event ay medyo may kakaibang ginawa....



 ILABAS NYO NGA YANG MGA FOOTAGE NG CCTV PARA MATRACE KUNG SINO NAGNAKAW NITO!

UPDATE:
nabawi na daw.