Tuesday, May 20, 2014

Photographyng pang tunay na cosplayer

tunay na cosplayer ang kumuha nito dahil sumunod sya sa Loki heart rule natin. di ko na eexplain i-click nyo nalang at basahin. 

at madalas maging stigg ang mga picture na may langit. bakit kamo? 
twing kukuha ka ng picture sa kalangitan, may 50% chance na may ibon na dadaaan, minsan rare yun tulad ni articuno. may 20% chance na mapipicturan mo ang kidlat 20% chance na may eroplanong padating +30 sa stigg factor pag pabagsak ito. 20% chance nanaman na may lumilipad na plastic, 20% chance na may eclipse at 10% na may makukuha kang alien sa litrato. 

for a total of 140%.. 140% wala kang pake-elam russian ako! hanapin mo nalang din sa internet ang tungkol sa russian 140% joke. 

at dumadagdag pa sa ka-stiggan nito ang dolphin na ito. dahil blue at mukhang malaki. walang kinalaman yung kulay sa pagiging stig.. pero yung mukhang malaki sya meron dahil uso ang godzilla ngayon.


Nagbabagang balita.... sa swimming pool.

errrr... langya, parang newsflash:
isang palaisdaan, nasunog.
isang barko lumubog, di nakatiis, lumutang!

basta parang ganun!


dahil sa nararanasan nating crisis sa malamig na hangin at dagdag production ng init dahil sa mga nagbabakasyong estudyante, napag-alaman natin na ang ilan sa mga cosplayer ay gumawa ng cosplay shoot na swimming ang tema.

wala namang batas na nagbabawal i-modify ang design ng character para mag adapt sa mainit na panahon. dapat nga natin i-encourage yung ganito para mapagana natin ang creativity natin at flexibility ng mga character designs nila.

wag lang nga sa competitions kase maselan ang mga judges sa accuracy at reference pic.... lalo na si DREFAN at JAYEM SISON... maselan.... maselan.... gets? (oo na korni na.... muscle-lan ang bigkas dun)

basta eto! panoorin nyo, punong puno ng pagiging tunay na cosplayer ang video na to.

1. ang mga kababaihang cosplayer ay nakuha ng 2/3 o higit pa sa ating tunay na cosplayer golden trinity.
2. yung lobo din tunay na cosplayer ayon sa yaya han rule. kamukha nya si zac.
3. hindi lang nalilimit sa isang nationality ang pagcocosplay. mga pinoy yung nanjan pero meron ding hawaiian malphite, saudi zed at kung ano ano pa.
4. +100 kapag yung mga photographer nyo ay tumatalon sa swimming pool kasama ang mga camera nila!
5. ang sinumang grupo ng cosplayer na may BTS photo o video ng buong kaganapan sa photoshoot ay tunay na cosplayer.

Stiiggg...

eto ang video. panoorin nyo sa HD(Stiv HD)



maraming salamat sa mapanuring mata ni Styggwyr

Monday, May 19, 2014

Alistar.. Tunay na Cosplayer



Dahil sabi natin ang tunay na cosplayer ay laging may kamukha.... WHUUUTTT!! TEKA! DAFAQQ!!

hindi naman kamuha ni alistar to eh!! si ALISTAR MISMO TO!!



Tunay na cosplayer si alistar dahil sa sobrang galing ng pagiging cosplayer nya, nafeature nanaman ang picture nya sa ibang grupo!

maraming salamat sa post ni tunay na cosplayer Pots Taks sa screenshot na ito.

stigggg....

Sunday, May 18, 2014

Pampalipas ng oras ng tunay na cosplayer.

Ang magtanong ng kung ano anong bagay sa ask fm ay gawaing pang tunay na cosplayer.

sige nga subukan natin minsang gumawa ng ask.fm para sa tunay na cosplayer.

ask.fm/Tunaynacosplayer

Tunay na cosplayer Epic meditation technique

Dahil ang tunay na cosplayer ay hindi lang sa Convention nagcocosplay.
minsan nagcocosplay din habang kumakain, natutulog, nasa bundok, nasa mall.... nasa himpapawid.....


+999 pa kapag ganito sya manligaw. parang ninja.



kahit sa tubig.

I cropped the picture because it is..... TU BIG.... gets?
cge tawa bilis, may 45 seconds kayo para gawin yun

Unang example ng ating Illuminati Tunay na cosplayer rule

ayon sa ating Illumintai rule , tunay na cosplayer ang taong ito:



dahil kapag gusto ni  facebook na  KAHIT NASAN KA PA, kahit sino ka pa. kapag tinag ka nya na may kamukha ka, bagay man to o kung ano man, wala ka nang magagawa.

Wag tamad. Isearch mo nalang ang tungkol sa illuminati jokes.

oo na eto na nga yung ilan sa mga link:
http://www.weirdexistence.com/hidden-illuminati-symbols-in-simpsons/
http://www.funnyjunk.com/funny_pictures/tags/illuminati
http://www.gagsbox.com/illuminati-illuminati-everywhere/

stiggg....


SINO BA SI JOHN REY!! (ang origin ng illuminati rule)

Isa nanamang ebidensya ng pagiging tunay na cosplayer.



Kapag si FB na mismo ang nagsabi. wala ka nang palag. hindi mo na makokontra ang pagiging tunay na cosplayer mo.



ayon sa yaya han rule, ang tunay na cosplayer ay laging may kamukha.
+200 stigg points pa pag si FB na mismo nagsasabi.


+200 din kapag opposite sex ang tinatag sayo, ibig sabihin nun magaling ka.



JOHN REY! alam na naming tunay na cosplayer ka! pakisabihan si kumpareng facebook na tigilan na ang kakatag sayo. ansakit na ng tyan namin sa kakatawa.

AHA! alam ko na! mula ngayon ang tawag natin dito ay illuminati rule!

Wig Trial. Gawaing pang tunay na cosplayer

OO, ang tunay na cosplayer ay mahilig mag post ng WIP sa FB. kasama naman ang makeup at wig trial sa WIP diba?


Ang tunay na cosplayer ay nagwiwig trial. 


Lalo na kapag biglaan mo lang nakuha yung wig at nagdecide na mag wig trial 



makulit pag kasama ang mga kaibigan. 


Lalong mas STIG! kapag may may ginagaya kayong ibang anime o movie!



Sa mga hindi mahilig mag acronym na tulad ko, ang ibig sabihin daw nga pala ng WIP ay Work In Progress. ayan, may natutunan nanaman tayo.

Maraming salamat sa ating kapatid sa pananampalataya na si Styggwyr para sa suhestyon na ito. stiggg. may bagong author na tayo. 

Gender Bend. Gawain ng tunay na cosplayer

Dahil minsan hindi sapat ang original version. Kailangan din minsan na pagbigyan ang fans.

Wooooo Hoooo!! FAN SERVICE!!





TEKA!! hindi naman gender bent to ah!! si Jin Joson to! hahaahaha kasama yan sa mga unexplained mystery ng cosplay.
1. kung pano biglang nagiging gwapo ang mga magagandang babae sa cosplay.
2. Ano ba talaga si Jin? Gwapong lalake, o Magandang chix? 


Tunay na Cosplayer Thumb Disease

Ang sinumang naka experience na ng ganitong Phenomena ay tunay na cosplayer.
parang Zone lang din nyan sa kuroko na basket.

Ganito nagsisimula ang sintomas nyan:

1. Sa sobrang focus mo sa pag-gawa ng props, malalagyan na ng greco ang kuko mo at di mo tatanggalin.
2. habang tumatagal, wala ka nang pakeelam, malalagyan na din mismo yung daliri mo.
3. masasaktan ka, uusok yung greco sa daliri at ang hirap tanggalin. sisigaw ka at kakaskasin ng gunting.
4. dahil cramming na, barabara na. di mo na kakaskasin yung natuyong greco at tuloy tuloy lang ang build up.
5. Immune ka na sa mga hiwa ng cutter sa daliri mo dahil sa passive ability na "+500 armor" ng cosplayer's thumb.

Nagbabagang balitang pang tunay na cosplayer

Ang sino mang nagrepresent o nanalo na sa cosplay competition sa ibang bansa ay Matinde ang pagiging tunay na cosplayer.

+200 sa kaastigan dahil sa pagpopost ng mga WIP
 +200 din dahil ang tunay na cosplayer ay hindi natutulog, at di pa natataranta unless 1 day before the event.
+300 kapag may cosplay related injury. Mas Stigg kapag pinatuloy ka ng immigration mag board ng plane at di napaghinalaang may MERS, SARS o ano mang bagong sakit. 
+400 kapag may video sila ng ilan sa mga performance nila sa singapore. Dahil kapag wala daw video/picture, hindi yan nangyari. 

https://www.youtube.com/v/qP9DiLM2yo8?version=3&autohide=1&autoplay=1

Mabuhay! kahit di nyo na gamitin ang generic term na "Pinoy Pride" na kadalasang naririnig natin sa laban ni manny pacquiao, STIGGG kayo walang duda. 



Gawaing pang tunay na cosplayer sa summer vacation

Ang pagoorganize ng cosplay shoot kapag bakasyon ay gawaing pang tunay na cosplayer.
dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
 1. Binibigyan mo ng pagkakataon na makapag cosplay ang mga tunay na cosplayer ng hindi nagagambala ang kapayapaan(sarcasm) sa mga convention.

2. Naiiwasan natin ang kung ano anong stress at damage sa mga costume ng cosplayer. Example, bone fracture dahil tinamaan yung wig ng malaking espada ni kisame.


3. Mas nakikilala mo ang mga ibang cosplayer na hindi mo normal na nakakasalamuha sa Mapayapang(sarcasm) convention. +200 kapag yung mga cosplayer na yun e 5 years mo na palang kasabay ngayon lang kayo nagkakilala.

basta kung ano't ano pa, wag kayong magpapigil na mag private photoshoot. Stigg yan lalo na't kasama nyo ang mga tunay na photographer at may tunay na location.