Thursday, October 15, 2015

Pano ba swertehin ang mga Tunay na Cosplayer?

Tol, may swerte ba sa cosplay?
Yan ang madalas itanong ng mga Tunay na cosplayer.
akala nila dito mo mahahanap ang swerte, giginhawa ang buhay mo, sisikat ka sa pagcocosplay.
Sasabihin ko sayo, hinde! naka depende pa din sayo ang swerte mo sa pagcocosplay.

Una sa lahat, para swertehin, wag kang susuko. dapat up all night to get lucky. Ang tunay na cosplayer ay hindi natutulog! shout out sa mga nagrarush para sa fantasy quest! hehehehe

Tapos, regular na manood kay zenaida zeba at madam auring para malaman kung ano ang maswerteng horoscope. ang maswerteng sign ngayon ay saguittarius.

 

Iwasan din ang paniniwala sa pamahiin ng unlucky 13. dahil lumang pamahiin na yun. ang friday the 13th ay paminsan minsang natatapat sa araw ng sweldo kaya stigg na din yun. swerte yun... at eto pa ang isang patunay na stigg ang friday the 13th.
 

Minsan, kailangan mo din manalangin sa mga sinasamba mo para ulanin ka ng swerte.





Pero effective din yung mga lucky charm.




 example, charming personality, charm-mander at iba pang charm.  +7 pag nagets mo yung joke na korni.
+10 kapag pumasok sa isip mo yung charm ni AHRI. di na ko magpopost ng picture nun para magimagine ka kung kaninong cosplay version ang pinapantasya mo. 


 If all else fails, daanin mo nalang sa dragon dance. Pinaka malakas pa din talaga ang epekto ng swerte pag involved ang feng shui, chinese astronomy, chinese zodiac, chinese team member, lee kum kee, choc tong, chin chan su at kung ano ano pang mga chinese stuff.


Heto ang link ng nasabing dragon dance. lakihan natin ang font ng LINK!!
oo nga pala, chinese din ang pinagkuhaan ko ng picture na to bwahahaha stigggg....


bonus, swerte ka kapag stigg ka......
ayan o, picture ng tunay na stigg osaurus



Thursday, October 8, 2015

Sandata ng tunay na cosplayer

Ang tunay na cosplayer, bukod sa dapat marunong gumamit ng malalaking sandata, dapat maalam din sya sa mga ibang uri ng pakikidigma.

Bukod sa video call, Media call at India call, dapat alam din nya ang kaibahan ng tentacool at tentacruel.

Ang tunay na cosplayer, Tignan palang ang costume, maraming tao na ang napapaligaya.

 
Nakakatawa ito dahil Joker ang tawag dyan. Dalawang beses pa kayong matatawa dahil ang form na yan ay JOKER JOKER! oha! stiggg... parang bayani ag bayani o kaya bernardo bernardo..... ang TINDI TINDI!!! hanep! tara sumigaw kayo mga kamen rider fans.


Pero bukod pa dun, dapat kumikinang ang costume mo!
MAKINANG INANG YAN! nakakainggit yang ganyang costume!
sabi nga nila, not all that glitter is gold. minsan bold... este seafood.
hindi yan cool. tentacoooool yan. 

Speaking of the sea... anak ng pating!

 Ang tunay na cosplayer, nagpapahawak ng props! lalo na kapag yung mga nagpapapicture sa kanya ang nagrequest!

Teka, alam na natin kung san mapupunta to kapag japanese theme tapos may tentacles.


Hahaha o yan, medyo safe for work picture naman!grabe ang tangkad talaga ni ying tze. She's so High, even if she's cherry LO.
Stiggg.... +10 pag tumawa kayo kahit pilit.


Basta kung ano't ano pa... si Gibs ay tunay na cosplayer dahil nagpapahawak sya ng props!


Gawaing pang tunay na cosplayer ayon sa Team BAN X KAI

May mga bagay tayong marerealize habang tumatagal tayo sa pagcocosplay.
Magastos ang costume. 
Mahirap magcompete.
Nakakaurat magpractice.
Mahal magmahal.
libre magmura.
at higit sa lahat.... Mahal ang pamasahe.


AAAHHHH BASTA!

1. ang tunay na cosplayer ay nagaabang ng pisofare para makakuha ng murang plane ticket papunta sa iba ibang cosplay convention.

Bespren ng mga tunay na cosplayer ang cebu pacific.

2. ang tunay na cosplayer ay mahilig sa sale ng hardware at iba pang school supplies!
3. at ang tunay na cosplayer ay mahilig magbitaw ng korni na joke.
+ 50 kapag tungkol sa WIP ang joke.
+99 kapag nagets nyo yung nae nae.
+100 kapag kumanta kayo ng watch me, watch me...

Kaya masasabi nating tunay na cosplayer ang team BAN KAI.
bukod na sa kumikinang na award nila bilang champion, hindi din sila sumusuko.
ang tunay na cosplayer ay hindi sumusuko sa laban! sige sugod! ipanalo nyo ngayong taon sa AFA!

kulang pa ba yung mga usual +points + points ko?

o sige, +30 sa pagiging tunay na cosplayer nila dahil hindi sila natutulog!
+10 kapag sabaw na mga hastag nila! ANO YANG FATHERCOCK??!!
Ayos na ni? may duagang pa ko di?

Support daw! gamitin natin to as cover photo:
Dahil ito ang TAMA


Stiggg?
Stiggg.....


Tuesday, October 6, 2015

Tunay Na Cosplayer special moves: SPINNING BEARD KICK!

HERE COMES A NEW CHALLENGER!!

mula sa linya ng ating matipunong ninuno na si Drefan. sumunod sa yapak ng masisikip na jumper at pony tail ni Zeek.

heto ang bago, mainit init pa!
Naghuhumiyaw at pumipintog pintog!

LADY BEARD!!



hindi po kulay Bearde and dugo nya.
Oo, pwede nating sabihing malaki ang Beard nya. pero bawal daw hawakan. don't touch my beardy


Tunay na tunay na tunay na cosplayer yan
dahil
1. Galit sa camera.

2. +99 Sumisigaw ng galit sa camera

3. +20 dahil bumibitbit ng chix habang galit sa camera

4. at meron syang malaking, treasure chest.

5. Kamukha nya si YAYA HAN!! de joke. hahahaha


SPINNING BEARD KICK!!!

Magandang matchup to!
drefan vs Lady beard! what say you??
STIGGG??!! STIGGG...

Tunay na cosplayer moment: Saluhin mo ang puso ko!

sa cosplay events, madalas intense ang emotions.
sa sobrang intense sparks are fyling.
hindi lang sparks, pati confetti, siomai, styro, props at kung ano ano pa.

pero eto ang isa sa pinaka stiggg sa lahat.
salong salo mo ang emosyon! hanep!

+50 sa pagiging tunay na cosplay dahil ang tunay na cosplayer, magaling mag emote sa camera.
tunay na cosplayer ka din kung mala-butterfly return ang pagsalo mo sa poster.

at ayon sa special rule: walang batas na nagbabawal sa isang tunay na cosplayer na mahalin ang tarpaulin, poster o kahit ano mang bagay na galing sa mga iniidolo nila.

stig ba?

stigggg....

Ngiting pang tunay na cosplayer. simulan na ang alamat.

Nako, dumaan na pala ang cosplaymania.

madaming cosplayer ang dumagsa kaya heto, ififeature natin yung mga dumayo pa talaga galing ibang lugar.

ang CDO ay hindi lang pang corned beef, ulam burger at hotdog. pang cosplaymania pa!! stigggg....
*unblockable joke: "CDO, we find ways" 
 osha, eto na ang tunay na cosplayer spolight natin.
literal na spotlight to dahil sa spolight ni LUX.
sino nga ba si lux?
isang character ng LOL na laging kumikinang.

Makinang ang damit.



















Makinang ang accesories.



Makinang ang skills.

https://www.facebook.com/errorix666/videos/886166661420202/

pati ang smile makinang!


aba pati ang award makinang! CONGRATS!



basta ayan, kitang kita ang pagiging in character.
+50 pa sa pagiging tunay na cosplayer kapag nahakot mo ang kapatid mo na tulungan ka onstage.
+30 para sa hentai kamen

 +999 para sa spelling!!! hanep!

Hey girl, you Roca my world!

Makinang inang yan. ang korni ng banat ko! stiggg....

+500 kapag ang pangalan nya ay katunog ng isa sa pinaka kakaibang komedyante....ryan rems.

Wooooo! ROCa nd ROLL to the world!

stigg ba? stiggg.... oraytt..