Friday, December 30, 2016

Ang tunay na cosplayer ay may malaking costume

Nung unanag panahon, lingid sa kaalaman ng nakararami, may malalaking robot na costumes tayo. 
akala nila basta sinabing early 2004 -2008 cosplay, puro maliliit at simpleng costume lang meron ang pinas. 

pwes nagkakamali kayo!  presenting our stigg gallery of malalaking costumes!

eto si RB cheng, tunay na cosplayer. 

gumagawa sya ng malalaking cosplay
+99 dahil may kasama syang chix sa picture.
+10 din dahil parang nagulat ang bibig ng deathsaurer sa nakita nya.

Hindi lang humanoid na cosplay ang kaya nya. kaya nya din ang mga costume na may 4 na paa.


At syempre, kung palakihan lang ang labanan, hindi sya magpapatalo.  kung ang mga taga ibang bansa, may costumes na 7 feet.... aba etong sa kanya may 8 feet na gundam!! inuulit ko! 8 feet nakngtupa naman o! ewan ko nalang kung di ka pa mamangha sa ganyang costume. bihira ka makakita ng 8feet na costume oy! +9999 na agad yan pag nakakita ka!

Heto pa ang ilan pa sa mga cosplayers ng pinas na above 6 feet ang cosplay!



 stigggggggg

 +88 dahil sa good quality ng leggings. mahirap humanap ng babagay sa 6 feet na cosplayer
 +777 dahil anonymous sya at nakatakip ang mukha.

akala nyo katana lang ang may lampas 8feet ala sephirot no? o! ano kayo ngayon!! 

hahahaha stiggggg.
wala lang magawa. happy new year mga tunay na cosplayer!!


Sunday, December 4, 2016

Huling paalam para sa kataas-taasang Tunay na Cosplayer ng ating panahon.

Putangina. aaaahhh shit.....

yan ang pambungad natin sa entry na to dahil yan ang paborito nyang reaction kapag nagkakausap o naglalaro kami.

tangina. Ang blog na to ay tungkol sa mga tunay na cosplayer, at hindi maipagkakaila na ang taong ito ay isang sa mga epitome ng pagiging tunay na cosplayer.

Ang tunay na cosplayer ay laging may kaaway. oo may kaaway sya lagi dahil mahilig sya maglaro ng LOL, Overwatch atbp, marami man syang kaaway dun, kaibigan din nya ito.

+99 pa sa kanya dahil nakikipagmurahan sya samin, pero ito ay sign ng paglalambing
+999 dahil nakapagmura na sya ng mga cosplayer mula luzon, visayas, mindanao, singapore at malaysia, ng hindi nagtatanim ng galit sa kanya.

Tunay na cosplayer na mukha ng pagkakaibigan na walang pinipiling edad, nationality, sex o kung ano ano pang shit.


Kilala ng marami, at nakapagpasaya ng marami.
+99 dahil marami syang inampon na anak at apo, na kadalasan ay mas matanda sa kanya.

At katulad ng mga kapwa nya tunay na cosplayer, may trademark sya.
+10 sa mahiwagang headgear nya na madalas bonnet or teemo hat.
+15 sa polo nyang suot
+99 sa mahiwagang backpack na na naglalaman ng mga misteryosong gamit kagaya ng mga delata galing sa department store, extra bonnet, extra polo, pasalubong at kwentong mapapagsaluhan nyo kakatawa.


Halatang halata ang puwang dahil sa pagkawala nya lalo na sa mga iniinvite nya madalas sa mga laro. +10 kapag naka on ang gtalk nyo at nagmumurahan na kayo habang tumatawa


hindi na din natin sya makikita sa con at sabay na pagtitripan ang mga kapwa natin cosplayer, lalo na yung isang naumay tayo sa kaka-rant post.

hindi na natin sya makikita sa backstage at makakakwentuhan ng mga sexy tings at kung ano ano pang nakakatawang bagay.



Pero pag nalungkot tayo, dadalawin nya tayo sa panaginip natin, at sasabihan ka ng, "tama na ang kaka emo-shit mo" sabay tatawa ng malakas naalala ko yung pangaasar mo sa 0 lovelife ko nun at yung pilit mo inililink sakin shit ka.

Naging busy man ako for the past months at likod mo lang ang nakita ko ng personal nitong taon na to, sobrang mamimiss kita.

Lagi kitang aalalahanin kapag maglalaro na ulit ako ng LOL at overwatch. At once in a while Icocosplay kita with your signature bonnet shirt, bag at sneakers.


Sa dami ng natulungan mong itaas ang self esteem, sa dami ng inassist mo, sa lahat ng taong pinatawa mo, sa lahat ng pagdududa sa sarili na tinatanggal mo sa mga kapwa cosplayer natin;

Isa kang tunay na cosplayer hanggang langit pots.
Stiggg.... Stig ka talaga kahit sa huling linggo mo sa mundong ito matatag ka pa din at di mo pinag alala ang mga kaibigan mo.

Paalam Bai.


RIP POTS.