Thursday, March 13, 2014

Mga message na narerecieve ng tunay na cosplayer

Ang pagpopost ng mga ganitong nakakatawa at kakaibang pampagising sa umaga ay gawain ng tunay na cosplayer. :))


Kapag nakakakuha na na ng mga ganitong message, malang kahit hindi mo na itanong sa sarili mo. Tunay ka nang cosplayer.

+30 XP sa pagiging tunay na cosplayer mo pag paminsan minsan ay napapagkamalan kang poser o fake ang profile pic mo.

+100 Xp naman sa pagiging tunay na cosplayer mo lalo na pag ginawang ka pa ng mga fanpages(na minsan fake) ng ibang tao.

Maraming salamat sa suporta

Natutuwa ako na natutuwa kayo sa kinatutuwaan kong blog na ito.

kung may gusto kayong i feature, irecommend na example, kung may nakaktawang bagay kayong gustong ishare, icomment nyo lang dito. kahit link lang ng picture, susubukan nating gawan ng pampasaya yan.

basta salamat, wala nang kung ano ano pa. Stiggggg....


Sale ng Tunay na cosplayer



Ayon sa ating chixwithbraces(lintekdikomabigaynngmagandangpangalantongrulenatobastaetoyunglinkiclickmo) rule, ang tunay na cosplayer, kapagmarami nang stock o kailangan magbawas ng costume o mga produkto ay nagbibigay ng discount o freebie.





Counted ang coupon na to sa mga pinamimigay na yun!

isama mo pa yung rule na "ang tunay na cosplayer ay nagtutulungan" pwedeng pwede mo nang sabihin na ang CosShoppe(kahit na di ko gusto ang spelling ng shoPPe) ay tunay na cosplayer.

OO, lumalawak na sakop natin. Ang pagiging tunay na cosplayer ay hindi lang pang tao, applicable na din to sa mga bagay, lugar, pangyayari at kung ano ano pa.

Natural Behavior ng Tunay na cosplayer pagtapos makapanood ng magandang palabas

Dahil alam naman natin na ang mga tunay na cosplayer ay matindi ang passion. mabilis din silang humanga sa mga kapwa nila stigggg. Kaya ayus lang naman na maisama sa listahan natin to. 





Ang tunay na cosplayer, kadalasan ay nagpaplano agad pagtapos na pagtapos ng palabas na mag cosplay ng isa sa mga character dun. Pinapareinforce nila ang passion nila o seriousness level sa pamamagitan ng pagupload ng reference picture o trial cospaly pic na may #cosplan (equivalent yun ng #dibsakinnato).

dahil kumpleto ang mga elemento na ito sa status update nya, masasabi kong isa syang tunay na cosplayer.

stig ba? stiggg....

BTS Tunay na Cosplayer moment



Dahil walang pinipiling lugar at panahon ang pagpopost ng WIP, BTS at kung ano ano pang status update ang tunay na cosplayer.

ang tunay na cosplayer, most of the time photogenic.... yun ay sa mga pagkakataong hindi sya galit sa camera. hindi nya siguro napansin ang camera nung mga oras na ito kaya hindi nag take effect ang senyales number 1, Ang tunay na cosplayer ay laging galit sa camera.

Ninakaw ko nga pala kay james romero ang picture na to..... stiggggg

Tumalon muna tayo sa pagiging cosplayer papunta sa gamer side natin



Nagbabagang balita; pro player ng LOL tumalon. Nasa kritikal na condition.
Pwede syang maging tunay na cosplayer. bakit? 
alam naman natin na malaking porsyento sa mga kapwa natin cosplayer ay mga gamer din. 
at sabi sa ancient manuscripts, "GAMERS DON'T DIE, WE RESPAWN"

sayang ang talent. pagaling ka boy!
parang awa nyo na, wag kayong magsusuicide.

mula nga pala sa kotaku.com ang picture na to

Mga tunay na cosplayer sa Monster Hunter

Ang tigrex ay tunay na cosplayer dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
1. Ang tunay na cosplayer ay laging may kaaway. lagi naman e! kahit yung mga monster sa background inaaway nya!
2. Ang tunay na cosplayer ay galit sa camera. sa box cover man yan, sa mga replay camera kahit sa 3rd person camera galit na galit yan.. naghuhumiyaw pa!

di tulad ng damuhong to:

 Ang gypceros ay Di tunay na cosplayer.

Ang tunay na cosplayer ay hindi dapat niloloko ang kapwa nya tunay na cosplayer.!! mahilig mag play dead tong loko na to kaya maraming napapahamak! 

Wednesday, March 12, 2014

Makiki throwback post din nga kami



o eto throwback namin. ang unang article namin way back 2008 pa yata. now ya know...

Throwback cosplay

Tunay na cosplayer na namataan ni janibee buhat.

Ang tunay na cosplayer ay patok pa din kahit throwback thursday, oldschool anime character pa yan. bagay sa kanya!! STIIIGGGG!!!

at eto ay tunay na cosplayer moment dahil may nagpapapicture sa kanyang chix na potential tunay na cosplayer.

Matalas ang mata ni janibee sa mga ganitong malupet na tunay na cosplayer, pa-BUHAT nga!

Sports ng tunay na Cosplayer

Dahil ang basketball ay punong puno ng saya, kalokohan at drama. pero may paraan pa din kung pano magbasketball ang mga tunay na cosplayer.

1. Isuot ang uniform, importante na ang number ay may kinalaman sa anime for example #10... connected ito kay sakuragi. o kaya naman ang pangalan sa likod ng jersey mo ay Gaou rikiya, atleast anime related pa din.

2. humanap ka ng tatapatan sa kalabang team, importante din na matchup ng anime ang iniisip mo habang kalaban mo sya sa bantayan. example, naruto vs sasuke kunware may chidori ka sa kamay habang inaagaw ang bola.


3. pakisamahang mabuti ang team, gawing rival ang pinakamagaling na scorer at isiping mataba lagi at maputi ang buhok ng coach mo.


Ang sinumang sumunod sa advice ko na to ay pwede mong sabihing malupit ang imagination, concentration o uto uto. pero pwedeng pwede ka nang maging tunay na cosplayer kapag nagawa mo yun. 

basta mga tunay na cosplayer yung mga nasa picture na to.