Sunday, August 31, 2014

Gawaing pang tunay na cosplayer: Pagsagot, pakikipagtawanan at pakikipagaway sa mga ANON

nakakatuwa, nakakabahala.
medyo nalilito din ako kapag binabasa ko yung page ng featured tunay na cosplayer natin na to.

Sa hindi malamanlamang kadahilanan ay naging paborito syang target ng mga anon sa askFM. Pero ano nga naman ba ang magagawa ng isang tunay na cosplayer? e nakaukit na sa genetics natin.. ayyy nakkss... ulit ulit isa pa... genetics... naks english nanaman tayo ano? natural tayong mapagpatol sa mga anonymous persons.

kung sa convention nga bast may magsabi lang ng "kuya papicture" patol agad tayo e. o diba? perfect example yun ng gawaing pang tunay na cosplayer?

eto ang ilan sa mga example:
1. "ay (insert malutong na mura here) si ano yan! papicture astiggg...
2. "(insert matinis na tili) hiiiiii kuya ang gwapo mo papicture"
3. " Hahahahahaha tignan mo yung mama nalampin, tara magpapicture tayo"
4. "Kuya pahiram ako ng (insert random cosplay prop.. in some event pati girlfriend hinihiram) papicture na din)
5. "Kuya eto ang 20 pesos magpapapicture ako sayo wag kang papalag"

Kapag na experience mo ang mga yan, tunay ka ngang cosplayer
pero yung iba din sa atin, may mas mataas na uri ng pagiging cosplayer sa larangan ng anon fighting. parang deeper zone lang ng kuroko no basket.

eto ang ilan sa mga maanghang na eksensa. mga eksenang pwede mong tawaging "alcohol" di lang pampamilya pang sports pa.



+700 kapag sinubukang mag joke nung nangaaway na anon! -690 kapag sumablay yung joke.




Ang tanong na to ay dapat tinatanong mo kay jejecostplayer para snappy ang sagot.



Pero kung sanppy answers ang paguusapan.... eto ang panalo. 



Stiggg.... di kumpleto ang araw mo pag di mo to nakikita sa news feeds mo.

Posing na pang Tunay na cosplayer.

Lingid sa sating kaalaman, hindi lahat ng cosplayer ay handa sa mga pose nila.
Bukod sa default na galit sa camera pose na ginagawa ng cosplayer by instict, ano pa nga ba ang pwede nilang gawin kapag nag request ang photographer ng "ibang pose naman ate!".

at habang kami ay nagsasaliksik, heto ang aming nakita.
nakakatawa. mula eto sa tunay na cosplayer na si AmenoKitarou.

Ang tunay na cospalyer ay alam kung pano mag pose sa harap ng camera. at dapat alam nya din ang basic technique na to:

INVISIBLE HOTDOG pose:


Stigg na sya kapag may hawak na hotdog... 
pero +50 kapag yung hotdog may baconbits, chili con carne o cheezepimiento with chorizo!! 


O diba? madalas natin makita ang pose na ito? sige check mo yung mga photo album na may pangalang <cosplay event><day number> <year>.. sigurado makakakita ka ng 10 na ganito ang pose.

At syempre wag nating kalimutan ang tunay na cosplayer na si sarah geronimo.
Dahil bukod sa marami syang kamukha.....

Ay napagalamanan ding may invisible hotdog pose sya dati. Napagtripan lang iphotoshop nung mascot na may malaking pwet.


kapag sinubukan nyo pang maghanap ng picture nyan, marami pang ibang variation ng pagkaphotoshop sa kanila..... IYKWIM.

At oo, maraming nagalit kay jollibee dahil naubusan sila ng chickenjoy. Bakit gusto natin yung chickenjoy?


 Kahit sabihin nating na nadududrog ang pancake, at ang frenchfires ng mcdo ay hindi nabubulok, Mas malaki pa din ang breast ng chicken at mas malaki ang pwet ng mascot sa jollibee.

O bilis, iphotoshop nyo. Naka-tunaynacosplayer pose na si mcdo, na ready na si Mcdo na hawakan ang jollyhotdog nyo.

Ninakaw ko nga pala kay tiffany Sy ang pictures na to... maraming salamat din kay Tiffany A, at lalo na kay Tiffany B na pinsan daw ni Jolly B.... Salamat din kay Tiffany Zee at sa iba pang Tiffany na di nabanggit... bilis, sabayan nyo ako sa pagtawa kung Nuggets nyo yung huling joke na yun .  -_- at dahil tungkol sa pagkain ang entry na ito... di ko maiiwasan ang joke na yun. Nuggets nyo?

OO NA!!! lalayas na ko! STIGGGGG....

Thursday, August 28, 2014

Potential Tunay na cosplayer. kayo na ang humusga

Alam naman natin na Ang tunay na cosplayer ay hindi natataranta, pwera nalang kapag less than 3 days nalang bago ang event. madalas pag-usapan ang nalalapit na event, magpost ng WIP ng costume para sa nalalapit na event.

E pano kung hindi mo alam kung kailan ang susunod na event? 

Pano kung ayaw mo magpost sa website ng "sir, kelan po ang event"  at rereplyan ka ng one liner na "Please read the comments, it is there"(kahit malabo ang site at walang details) tapos gagatungan ka pa ng mga kapwa mo facebook user ng "hahahaha ungas, magbasa ka kasi wag tanong ng tanong".  Tae diba? nainsulto ka na, wala pang sumagot ng tanong mo.

Sa mga ganung pagkakataon, nagkakaroon ng superhero. at eto na sya! sya ang tagapagpaalala sa nalalapit na event! sya ang tagabuhay ng essence ng meet and greet! mabuhay! mabuhay! sya si.... sino nga ba sya? LOLLLLL.. sorry, di ko talaga sya kilala pero natutuwa ako sa mga paalala nya. 


Maaaring tunay na cosplayer sya dahil sa mga sumusunod:

1. Lagi syang in character! kung ano man ang character na nararamdaman ko sa picture nya na nakikita ko lagi sa mga event post, makatarungan nyang nagagampanan yun.

kapag nakiktia ko yung post nya, para na din akong nakakakita ng Yu-gi-oh cards.

2. Ang tunay na cosplayer ay laging may kamukha. OO nga! kamukha naman nung nasa kanan na picture yung nasa kaliwa ng picture. Tsaka eto yung ibang example, magkakamukha sila kada event:

Picture 1. ang alam ko sya talaga to.
Picture 2, duda akong sya to kasi mas maputi to... malamang kamukha lang nya.



picture . hindi din sya to, kamukha lang nya to... moreno ang kulay naman nito.

 Aba, stigggg may option pa kayo. yun ang mganda sa kanya, nakikipag interact sya. at sigurado akong hindi sya to dahil walang picture. malamang isa nanaman sa mga kamukha nya to.



LOL, teka sa sobrang magkakamukha nila, pati si facebook nalito:


4. Ang tunay na cosplayer ay gumagawa ng fansign. +0 pts sa kanya dahil iba iba ang nakasulat sa fansign at iba iba ang pose. 

At isa pa pala... Ang tunay na cosplayer ay kahit isang beses sa buhay nya, naisip gumawa ng account sa cosplay world. 

+20 points kapag ganyan ang achievement. alam mo namang mahirap mapabilang dyan.exception to the rule nga pala si liui dahil astig talaga yung hiccup nya at madali syang nakapag top jan.



At dahil naapreciate ko ang paalala mo, ako naman ang mangiinvite sayo. Sana magustuhan mo :) 

Paki invite nga sya, mga kapatid :)) heto ang link, I click mo


So ano pa mga ma'am ser, ano hanap mo teh? bili na! este.... ano ba? tunay na cosplayer ba sya? 


stigggg..... 
o eto pandiin. 

Picture na medyo galit sa camera. pwede na yan!! Mr. MNG(yan ang superhero name mo) ikaw ay tunay na cosplayer. 


[Addendum] Nagcocosplay daw talaga si Mr. MNG ayon sa atin source






Wednesday, August 27, 2014

ADONIS: Tunay na cosplayer

Ang aga aga, eto agad nakita ko sa feeds ko!

sino ba tong si ADONIS! ang Stigg naman nito.



Sige nga timbangin natin ang pagiging tunay na cosplayer mo:

1. Tunay na cosplayer ang sino mang magkapagpa fansign sa kapwa tunay na cosplayer. +10 sa pagka-stiggg kapag chix ang may hawak ng fansign.

2. Kapag misteryoso ang code name nya example "adonis" "adonai" "andromeda" katumbas na din yan ng pagkakaroon ng japanese na alias.

3. kapag binigkas mo habang nakaharap ka sa camera ang adonis, hindi mo mapipigilan ang galit na expression sa bibig mo. kaya pwede nating i theorize na si adonis ay laging galit sa camera.

Camera man: ano ang pangalan mo?
Adonis: Ako po si Adonissss  *sabay picture ng camera man.

bibigyan ko kayo ng + 20 kapag hindi nyo sinasadyang bigkasin ng paulit ulit ang pangalang adonis sa harapan ng salamin.

weh? di nga? may mga gumawa nga? hahaha langya.

oo na, pakiramdam ko korni tong post na to. bigyan nyo nga ako ng idea na pwede kong ilagay.


Eto ang pambawi:



Tunay na cosplayer yung chix na may hawak ng fansign dahil ang tunay na cosplayer ay: gumagawa ng fansign, galit sa camera, 2 out of 3 sa scale ng golden trinity, lampas 30 ang cover photo at profile pic, may mahigit 2k friends, may alias na" kaizokumousy" +30 kapag may video sa instagram na pinapakita ang braces, galit sa camera
 at malamang nainvite na din to sa meet and greet nung taong nagpopost ng picture nya na naka green na stripes at pilit pinapalabas ang dimples at muscles nya.

[ADDENDUM] ang sino mang sinasabihan ng sikreto ng kapwa nya tunay na cosplayer ay may karampatang pursyento ng pagiging tunay na cosplayer.

Nung mga panahon na naka hiatus ako, napapunta ako sa iba ibang page tungkol sa cosplay. yung iba nakakaaliw. yung iba makulet lang. yung iba puro away away lang.

pero dahil may nagmessage sa email. request daw nung kakilala ng kakilala nya na gawan ng entry tungkol sa ugali ng cosplayer na pag-amin ng nararamdaman sa kapwa nya tunay na cosplayer.

Eto ang screenshot:

kung inyong natatandaan ang entry natin dati na umaamin ng pagkakamali ang tunay na cosplayer sa kapwa nya tunay na cosplayer, eto ay isang variation din nun. kaya dahil dyan isa sa mga page na binisita ko ay masasabi kong tunay na cosplayer. 

introducing, PH COSPLAY FILES:

Heto ang mga rason kung bakit tunay na cosplayer sila:

1. Ayon nga kay Niko Shin, ang tunay na cosplayer ay umaamin sa kapwa tunay na cosplayer. 
+n yan multiply by the power of N depende sa number ng likes at viewers nila. 2000+ na likes? ganap na ganap ang pagiging cosplayer nila. 

2. May set of rules din sila na sinusunod, alam nyo naman... ang tunay na cosplayer ay sumusunod sa rules lalo na pag sa mga catwalk na. eto yung rules nila: Click mo to. masaya akong makita na hindi 10 ang rules nila kasi pag nangyari yun, dapat kumuha na sila ng pang ukit ng bato at ilagay yun sa dalawang tablet at ilagay sa taas ang salitang 10 commandments. 
+30 points dahil prone sila sa typographical error tulad ko :)
+ 999 kapag totoong tao si SOMEON at talagang ipinagbabawal nila na magpost sya sa page nila.

3. Tunay na cosplayer ka kapag alam mo o may nagiinvite sayo na makipagmeet and greet. 
+20 kapag yung nagiivite sayo ay laging may kasamang picture. 
+5 points ulit kapag yung picture na yun ay lalakeng nakastripes. 
+3 points kapag yung lalakeng nakastripes na yun ay naka pose na di mo alam kung nagpapalabas ng muscle sa braso o nagpapalabas ng dimples.
ALAM NYO YAN!! hahahaa

Osha, tama na... wala na kong maisip e. 

basata kung sino man si SOMEON, Stigg ka dahil ginalit mo ang mga admin ng PH COSPLAY FILES. 
Mga admin ng PH COSPLAY FILES, ituloy nyo lang yang ginagawa nyo. sa inyo ako minsan kumukuha ng ipopost dito.... kayo ay STIGGGG.... gawa nyo naman ako ng pang cover photo ko :P 





Tuesday, August 26, 2014

Photo view na dapat maexperience ng Tunay na Cosplayer

Isa kang tunay na cosplayer kapag may picture ka na ganito.



bird's eyeview na naka costume. 
Yun ba tawag dun? aaahh basta stigg yung ganyan para sa isang cosplayer. 

+3 points for gryffindor kapag may mga basura na nakikita sa picture 
+10 kapag maganda yung itsura nung basura dahil sa shot.
+20 pag kapansinpansin na malinis yung tiles!! parang winalisan.

at +100 dahil sa happy synthesizer sa webpage mo! Stiggg ka Jump. 

Dito nga pala mula ang picture na to http://jumpwidme.tumblr.com/post/95886142750/satsuki-kiryuin-by-japepong

ang anime na to ay KILL LA KILL... ang photographer naman ay si jump PIL A PIL.... ok, wala lang makapagpasok lang ng korning joke. Bilis, tawa kayo may pambayad ako :P

Drefan Approves!


Omaygahhdd. Yung Idol natin nagtatagalog!! 


pero kung titignang maigi, ano to? whutttt... nakita na nya yung blog natin! isa itong tagumpay!
ibig sabihin nito may mga international na tao nang nakakabasa ng blog natin. tara magtagalog pa lalo tayo para di nila maintindihan :)) joke. TEKA DON'T ENGLISH ME! I'M PANICK! FUS RO DAH!!

Well, It's good to see that our Well respected lord Drefan is following the rules on how to post a picture in a "Tunay na Cosplayer" way. You are Stiggggg!!! 

Definition:
Stigg- another term for astig, cool, awesome.It is a term that we use here and it should spoken with the lowest voice you can do.So low that your chin is almost touching your overmanly chest.

Thanks to his post, now we have an idea for another ADDENDUM on our Tunay na Cosplayer articles.

Ang Tunay na Cosplayer doesn't settle for one wig. may it be for Hairline, extensions, sideburns, volume a wig is a MUST!

Tagalog translation: leche kayo humanap kayo ng taga translate effort sakin mag english no, iconvert pa kaya sa tagalog.. hahaha

At dahil may mga internation al readers na tayo, (ayon sa stat ng blogger) 

Chinese translation:  早安

Japanese Translation:   あけましておめでとうございます

This is overwhelming. So in order to neutralize the situation, here is a video from another tunay na cosplayer:
Because he is also Mad at the camera. and He won't budge even a little if confronted by mall guards.



Stigggg.....

Special thanks to Alvin Balce. I think I should hire you as my translator :P


TNC Galit sa Camera Challenge. eto ang pantapat natin sa ALS ice bucket.

Ano ba tong nababalitaan ko na ganito pa lang, cosplay na. Eto palang, Cosplay na? ito na lang, cosplay na! ipaliwanagnyonga sakin kung ano ano yang mga yan at bakit may mga ganitong mga~~~~~~
 aaaahhh ok. gets ko na, maliwanag na sakin. epro pano naman yung mga ganitong factor na maya~~~~
aaaaaaaa ok.... di ko na kailangan pang explanation para sa bagay na yun pero etong huli di ko padin magets kung anong~~~~~ 
Blaaarrrghhhh~~~ tama na nga! di na ko makikipagtalo! mauubusan na ko ng dugo! *singhot*

ano ba kayo? bakit nyo ba dinidisprove na cosplayer sya? dahil ba medyo visible yung ugat nya? sige nga, hanapan natin ng senyales ng pagiging Tunay na cosplayer yan.

1. pasok sya sa golden trinity dahil kailangan atleast 2 or 3 na trait ng golden trinity ay kuha nya. 
2. teka, taympers, dumugo na ulit ilong ko. TAMA NA NGA YANG MGA PICTURE NA YAN!! Tunay na cosplayer sya dahil lagi syang may kaaway, mapa skit man ito o sa FB page nya. 

3. Tunay na cosplayer sya dahil marami din syang kamuka. Eto ang mga example: yaya hanm jessica nigri, Mc bourbonnais at kung sino sino pa. 


4. Hindi sya tunay na cosplayer dahil nanloloko sya ng kapwa nya cosplayer. Deym! muntik na din ako maniwala, mahina pa naman ako sa LOL.
5. Pero binawi naman nya agad yun. Tunay na cosplayer sya dahil umaamin sya ng kanyang pagkakamali sa kapwa tunay na cosplayers nya at nagsosorry pa. 
6. WALA AKONG MAHANAP NA PICTURE NYA NA GALIT SYA SA CAMERA! SHET! IMPORTANTE PA NAMAN YUN PARA MAGING TUNAY NA COSPLAYER! dumugo na ilong ko kakahalungkat ng pictures nya. bigyan nyo nga ako ng picture nya na galit sya sa camera!
7. Gumagawa ng fansign, napakaraming fansign! 

Kung ano't ano pa, kahit maraming senyales ng pagiging cosplayer ang nakuha nya, di ko pa din sya maituturing na tunay na cosplayer. DAHIL ANG TUNAY NA COSPLAYER AY LAGING GALIT SA CAMERA!!! di ko alam kung wala syang picture na galit sya o sadyang di ko lang talaga nakikita mukha nya. 

Ang Hatol: UNDER CONSIDERATION ANG PAGIGING TUNAY NA COSPLAYER NIYA hanggat wala akong nakikitang picture na galit sya sa camera. 


Chinachallenge ko kayo ngayon. Eto ang pantapat natin sa Ice bucket challenge. Pwede tong, tunay na cosplayer awareness challenge. basta ang challenge, humanap kayo ng picture nya na galit sa camera! o magdonate kayo sa sarili nyong ipon para may pambayad kayo sa ticket ng COSPLAY MANIA!

osha osha... nakakalimutan ko na yung sinasabi ko lagi ah... Stigggg.... 

happy hunting Dearies...

Ganito ang skit ng isang tunay na cosplayer.

Una sa lahat, hindi exclusive sa anime na dragon ball ang fusion. hindi din sa yu-gi-oh dahil ang fusion ay scientific term ng pagcocombine o pagsasama ng magkaibang bagay. Pero tulad ng sabi ko, ang tunay na cosplayer ay may pamantayan sa pagiging mahusay na skit, alinsunod sa Dragonball.

1. Dapat kalmado ang simula. hindi mo dapat gulatin ang kalaban mo na may pamatay kang technique. Bilang cosplayer, itago mo dapat muna ang gulat factor sa skit mo.
Dapat mukhang harmless. kagaya nito:  pero bawal kang sumayaw.





2. Dapat may effects. sound effect, video effect, smoke effect, suplado effect, pakipot effect, paawa effect basta may effect!! basta dapat may effects ang pagtatransform nyo. kailangan yun para makakuha ng impact sa skit. perfect.


Kungdi ka pa kuntento, feel free na magdagdag ng nauuso, tulad ng ice bucket challenge. pero bawal ka pa din sumayaw tama ba CAP?


3. Dapat astig lahat ng galawan, dapat malakas ang resulta. kitang kita mo naman dito na nagngangalit ang mga muscle at pwersado lahat ng galaw. Sigaw kung sigaw! Tandaan. dapat galit lagi kung nasaan ang camera.




4. Tapusin ang skit sa epikong pamamaraan. Paano? either ikaw ang mamaamtay, o ikaw ang papatay.
Tulad neto.

http://9gag.tv/p/aVePrp/here-s-the-weirdest-video-you-ll-see-today-fusion-gone-wrong

+ 20 kapag may drama effect. dahil kailangan maiparamdam mo ang damdamin ng kinokosplay mo sa mga manonood.

-5 kapag sumayaw ka sa ending... DAHIL HINDI MALAKI ANG STAGE AT HINDI NILA GUSTONG MAKITANG PAPAWISAN AT MABUBURA ANG MAKEUP MO!! bwahahaha

ayus ba?

o eto. manood muna tayo ng example:




Mula dito ang picture na ito



Si Aza miyuko ay pasok sa TNC golden trinity.
May dagdag factor pa ang pagigigng tunay na cosplayer nya dahil kaya nyang mag wrestling ng hindi natatanggal ang wig.

At ang partner nya na si dangerous man, ay TNC din dahil astig ang alias nya... "DANGEROUS MAN". At ang cosplayer na nagwawagi dahil natalo ay masasabi nating STIGGG......


pasensya na, nangangalawang pa ko tagal ko na di nag blog e. tara magbuhusan nalang tayo ng yelo.


Sunday, August 24, 2014

Pasensya pasensya...

Katulad nito,




mahirap makahanap ng pasensya.

speaking of katulad, ang page na ito ay katulad ng blog ko.... ngunit sasabihin ko sa inyo.
hindi sakin tong page na to.



nantirip ako sa mga post ko dahil gusto kong magpatawa. 
pero hindi ako nagpopost para magpatama, magsimula ng gulo o makipagparticipate kung may gusto kayong siraan. hindi ako nagpopost ng kung ano anong blind item na ang hangarin ay manakit. mas gusto kong punahin ang mga maling gawaing pang cosplayer sa pamamaraang nakakatawa.

eto ang page ko dahil naunahan ako sa name ng page. 


https://www.facebook.com/tunaynacosplayerblogspotcom 

+999 sa punyetang katamaran ko magpost, magresearch at gumawa ng page. 


kung may na-offend man sa mga post ng page na jejecosplayer, wala akong kinalaman dun. 

apir! stiggg...