Friday, March 21, 2014

Ang tunay na cosplayer ay susumusunod sa tamang format ng cover photo.

Yan, Iho. tama nga yan.

ganyan mag post ng profile picture/ cover photo sa makatunay na cosplayer na pamamaraan.


Sikretong pamamaraan ng tunay na cosplayer

Diba nga ang tunay na cosplayer ay maparaan?

karamihan satin, dumaan sa panahon na na-adik tayo sa magic cards. magastos ito sobra! pero ang sikretong pamamaraan natin para makapag magic at mag cosplay at the same time, ishinare ng kapwa natin tunay na cosplayer.

presenting :)) proxy cards!!!


ang sayang maglaro ng magic ng may 4 na black lotus. photopaper, sleeves at printer lang puhunan.

o eto pa, mga karagdagan sa pagiging tunay na cosplayer ni ayu natsume:
1. tunog japanese na name.
2. spoilers ng anime.... na nilike ng 10 tunay na cosplayer friends nya na mahilig din sa spoilers.
3. stiggg na cover photo.
9. kapag nakaranas ka na ng ganito malamang tunay na cosplayer ka:
11. hindi ko na sinunod yung numbering from 1-10 dahil stig ako.
4.  faaaaaakkkkk..... waitt.... teka, delikado na ba identity ko?

   psssst huy, wag nyo ko i-dox, wag nyo ko LOIC i-DDOS, SQL injection o i-deface tong blog ko :))
Peace tayo miss :3 I haz chizburger.

Tunay na cosplayer nagbabagang balita.

Hindi ko alam kung anong meron. pero bigla nalang nag trending ang pagiging featured sa kung anoanong website at pagiging sikat.



pero natuwa ako dahil nakakita ako ng ebidensya ng isang tagong tunay na cosplayer. 
Meet, 

*inserts Bulalo super sentai themesong.

eto daw ang pro tips para maging isa sa mga sikat na tunay na cosplayer.
1. magpa like ng magpalike ng picture. - puntahan nyo yung page nya.
2. pakita ng boobs. - kitang kita sa mga video footage litaw na litaw manboobs nya.
3. mag-amok at humingi ng kakaibang flavor ng cup noodles. example, sinigang flavor
4. mag selfie araw araw. well.... mas matindi pa nga kase may sarili nang laro si bulalord
5. Gumawa ng catchy na alias... pwede din kung japanese insipred pero mukhang mas patok ang may salitang lord... parang si lourd de veyra. stigggg...

di ko alam kung anong meron talaga!! paki explain nga!!

"post event messages" pala ang tawag dun

Ngayon ko lang nalaman ang tamang term para dun. Maraming salamat sa tunay na cosplayer na ito para sa eksplanasyon... at kumpleto din ang elemento ng "post event messages" nya tulad nung sa dati nating example.



at ayun! hahaha nandun ang element ng " I mizz yah"
Tama ang format ng "post event messages" mo. at +50 xp pa sa pagiging tunay na cosplayer mo dahil napagkatiwalaan ka ng sambayanan na maging hukom.

Ang tunay na cosplayer ay laging may kaaway nga diba?

yes~~~
sa araw araw ba naman nating nakikita sa feeds ng fb, itatanggi pa ba natin na tunay na cosplayer etong iha na ito?

OO tunay na cosplayer yan, ayon sa ating unang unang rule (click mo to), laging may kaaway ang tunay cosplayer, sa skit man yan, sa fb, sa laro o kung saan saan pa.
+ points pa pag Capslock dahil intense.
+ points din kung magaling sya magphotoshop ng character na pwedeng icosplay... tulad neto :3
well... regarding sa cosplay trinity...... ahem :)) :))) :)))))  diba sabi ko dun kahit 2/3 ang makuha ayus na?! so... good na yun! pasado!

Stigggg lalo ang pagiging tunay na cosplayer nya dahil gumagamit sya ng japanese sounding name o alias (ayon sa rule na ito) +1000 XP pa! dahil sa joke na ganito:


Kaya ayon sa mga bagay na yan, ikaw nga ay isang tunay na cosplayer from Sebu.... Sebu pacific..


Tuesday, March 18, 2014

Tunay na cosplayer spotted

Na-ispottan ni tunay na cosplayer Trigger Man.


Dahil ang tunay na cosplayer ay walang pinipiling edad at kasarian. Kahit litong lito na ang ibang tao o yung cosplayer mismo. putragis.

ching chong ching chang, ling long chicken noodle soup

Totoo. ang pagpopost ng cover photo, profile pic at kung ano ano pang stig na picture na may magandang font ay gawain ng tunay na cosplayer ayon sa ating loki heart rule


PERO MAS MALUPET KA KAPAG JAPANESE CHARACTER YUNG NAKASULAT! ang hirap i google translate nung nakasulat, disabled ang universal ability nating mag copy paste!

tunay na cosplayer yan!
eto pa ang ilang senyales:

1. laging galit sa camera........ pero malupet pag ngumiti! lintek!
2. Cosplay golden trinity, check!
3. Ayon sa yaya han rule, ang tunay na cosplayer ay laging may kamukha. pwede syang maging kung sino sinong character pero by default, kamukha nya si Alodia diba?
4. eto bago to. ang tunay na cospalyer, minsan o madalas maka experience na angat na angat sya sa christmas party, haloween event at kung ano ano pang mga event na required mag costume.


Kaya si kuri curry ay tunay na cosplayer. dalawang beses pa ang pagiging tunay na csoplayer nya dahil kung bibigkasin nyo ang pangalan nya ay dalawang beses ang kuri~~

stiiigggg....

Tunay na cosplayer perfect example

Ang tunay na cosplayer ay galit sa camera! kahit video camera!! CHEF!!! WAXING CHEF!!


kitang kita ang bawat emosyon.
kitang kita ang bawat aksyon!
kitang kita bawat eksplanasyon.
malinaw na malinaw.
ang REGULAR ORDINARY SWEDISH MEALTIME ay tunay na cosplayer!!

salamat kay niskadoodles sa pagsheshare ng link ng kapwa nya tunay na cosplayer +50 xp sayo.


hanapin nyo dito ang marami pa nilang cooking lessons. Pwede tong live action ng cooking master boy.



stiiggggg...

Gawaing pang tunay na cosplayer ulit!

Hindi ko alam kung pano nagsimula ang fansign pero sa aking pagkakaintindi, eto ang katumbas ng subtitle ng mga anime. Parang ganito, hindi ako makagawa ng video para magsalita ng japanese greeting para sa kaibigan ko na lalagyan ko ng subtitle kaya ang gagawin ko nalang, gagawa ako ng manomanong subtitle na isususlat ko sa papel + pangalan nung gusto kong batiin. syempre babaguhin ko yung font dahil ayoko ng times new roman o zaft dingbats thenn click* yan na ang fansign ko with matching emoticons :3

osha osha, basta ang pag-gawa ng fansign ay gawaing pang tunay na cosplayer:

Mas mapapatindi pa ang pagiging tunay na cosplayer mo kapag ginantihan ka din ng fansign ng kapwa mo tunay na cosplayer.

+ 200 kapag ganito!! putragis nabali leeg ko!
bonus din kapag may "bryces" ang naghahawak ng fansign na nakalagay ay "bryce" OO na! wag na kayong tumawa! halata namang pinilit ko lang tong joke na to e!


basta si niskadoodles, sampu ng mga kapalitan nya sa pag-gawa ng fansign ay maituturing na tunay na cosplayer. 



Tamang trip ng tunay na cosplayer

diba sabi natin in character lagi ang tunay na cosplayer?
o baket? yung creator ng mga AMV at libo libong mga fan art ang may kasalanan kung bakit sumasayaw ang karamihan sa stig na anime characters, pero eto. etong example na to ay ginagawa kadalasan ng tunay na cosplayer.

Ang pagsasayaw ng dance revo habang nakacostume ay gawaing pantunay na cosplayer.

+20 xp pag during the event at sa timezone megamall mo ito ginagawa.
-30 XP KAPAG PURO MISS o BAD! putragis
epic ka pag mecha o armor ka habang nagsasayaw. 

hahahaha yesss!! may internet na ulit ako!!

Gawaing pantunay na cosplayer



Ang tunay na cosplayer, gustuhin man nya o hinde, sadyain man nya o hinde. ay nagpopost ng spoilers ng mga paborito nilang anime. Ayus lang yun, di naman kill joy ang kapwa ng tunay na cosplayers e. unang reaction pa nga nun(lalo na pag bago ang anime example: Ghost fighter) "o? di nga? out na yung latest episode? penge link"

basta naalala ko na natanong din nya kung tunay syang cosplayer.

eto ang mga senyales ng pagiging tunay na cosplayer kay niko shinn:
1. nagpopost ng spoiler.
2. nagpopost madalas ng cosplan.
3. itinatag ng kapwa nya tunay na cosplayer sa mga upcoming events, bagong anime at laruan.
4. may crush na anime/japanese chix.
5. nagpopost ng pictures ng gundam, picture kasama ang mga cosplay chix.
6. (IMPORTANT!) SuporTADO sya ng libolibong tunay na cosplayer para sa Ultimate item nyang #majesticbox ng boku no pico.




stiiiigggg..... putragis.... oniichan, heto ang detalye

Sunday, March 16, 2014

Isang kasagutan para sa nagdududang tunay na cosplayer.

May nagtatanong kung pano daw maging tunay na cosplayer.



wag kayo mag-alala, di yan pinipilit. mararamdam mo nalang biglaan na tunay kang cosplayer. ituloy tuloy nyo lang yan.

pero 'te, wag ka magalala ikaw ay napatunayan nang isang tunay na cosplayer.
o sige, simulan na natin ang blow by blow explanation kung bakit:

1. Hindi ka man galit na nakaharap sa picture na to, ramdam ko na galit pa din... so ibebend natin yung rule. ang tunay na cosplayer ay galit sa camera kahit nakatalikod .
2. ayon sa Loki Cosplay rule (oo yan ang itatawag muna natin jan basta iclick mo yung link) ang sino mang gumagawa ng cover photo na may astig na font at picture ay tunay na cosplayer.

Karagdagan: aba, kapag umabot ka ng mahigit na 20 cover photo stig ka na nun..
3. okay..... Cosplay golden trinity... pasado.
4. Ang pagpopost ng album pagtapos ng event ay gawaing pang tunay na cosplayer.
+40 Xp pa kung naispotan mo si elsa.
+99 kung inisip mong mag joke ka sa kanya ng "do you wanna build a snowman?" o "let it go"
+300 kung totoong ginawa mong mag joke ng korni

O ANO PANG GUSTO MO!!?? Duda ka pa ba kung tunay kang cosplayer? kapag di ka pa naniwala, hahagisan na kita ng bente pesos para bumili ka ng cornetto.

bakit cornetto? e yan yung commercial ngayon e, pakealam nyo ba?

basta yan. ... wag kayo masyado mag duda kung tunay na cosplayer kayo.... pag naramdaman nyo na OO, kahit katiting yan.. totoo yan... tunay na cosplayer ka Ysabel Antonio Pelobello..... Stiiiggggg...

Kung nabasa mo na ito at naniniwala ka, mag post mo sa wall mo ang cute na stiggosaurus natin :)




meron pa kong isang nakikitang nagtatanong. sa wed ko na sasagutin.

Saturday, March 15, 2014

Lazarus: Tunay na cosplayer


o, sinong aangal?

galit sa camera - check

laging may kamuka - check
oy diba nga yung ability nya: ang 7 ay si lazarus at ang 7 ay ako?  7 lazaruz lang pala ang ability nya.

at gumagamit din sya ng alias, ang pangalan nya ay suzaku - check (ayon sa potentialcosplayer rule)

may flute na nagcocosplay bilang lechong manok - check (haha! sige tawa)

pati yung ibon nya cosplayer dahil nagiinvest sa wig o pangkulay ng buhok - check


Si sensui din ay tunay na cosplayer dahil maraming costume, maraming kamukha, in character lahat ng 7 sensui.

maraming salamat kay recie villanueva

Friday, March 14, 2014

Sasakyang pang tunay na cosplayer

Na-ispot ng isang chix sa fb ang sasakyang pang tunay na cosplayer na ito.

ang sasakyang pantunay na cosplayer ay ganito dahil:

kinocosplay nya si optimus prime nung truck pa sya.
napicturan sya kasama/katabi/sakay ang mga kapwa tunay na cosplayer.

stig ba? diba STIIIIGGG??~~




Dilemma sa FB accounts ng mga tunay na cosplayer


ansakit ng leeg ko, kinailangan ko pa i-rotate ng 180 degrees ang ulo ko para makita yung profile pic nya.

Ang tunay na cosplayer ay maraming.... TEKA!! akala ko ba laging galit sa camera ang tunay na cosplayer?!!

aahhhh yun naman pala.... ang tinutukoy pala dito ay yung "(fullacct)".
Sabi nila in character ang tunay na cosplayer kaya magaling mag acct... ...
act...
... full acct... gets?
 oo na sige na korni na. tumawa na kayo! sabayan nyo ko!

basta sabi nila, matuturing ka daw na tunay na cosplayer kapag meron kang (full acount), (christineIVaccount), (daniellecosplay), (public account), (liuiIII) na naka dugtong sa pangalan mo sa facebook. naaaaaks, parang title lang sa career o :)) katumbas yan ng engr.dr.hon. eduardo miguel III.phd.exe.zip. Pero seriously, kung marami ka nga naman friend request at di ka basta basta nanrereject ng mga friend request sa mga aspiring na cosplayers, ayus naman eh. valid ang reason mo sa pag-gawa ng ibang account.

di ko din naman sinsabi na -500 XP ang mga baguhang cosplayer na 1 convention palang gumagawa na ng akosicutegirl(cosplay account) fanpage na ang classification ay artist. bibigyan ko pa din sila ng +2 xp dahil sabi sa tunay na cosplayer rule, ang tunay na cosplayer ay laging may plano... maganda yun, kasi nagpaplano silang magtagal sa cosplaying(sana nga).

Ok, ang conclusion; Ang sino mang maayos maglagay ng reason kung bakit di sila basta basta nagaacept ng friend request na nilalagay sa magandang picture na may magandang font at naka ON ang subscribe/follow ay tunay na cosplayer.

Idagdag na natin sa listahan ng tunay na cosplayer problems ang "pagkakaroon ng biglaang maraming friend request" pag naencounter mo ang scenario na to, +30 XP na sa pagiging tunay na cosplayer mo.

pahabol: may ebidensya pala ng pagiging tunay na cosplayer nya! galit din pala sya sa camera pero di halata kasi maamo talaga mukha nya :lol:





Bonus pa!! pasok din sya sa chixwithbracesrule(hanapinnyonalangsablognatoyungeplanationbastaclicknyoyunglink) dahil sa sale!!!


ang pagsasabi din ng ganitong joke ay malaking bonus:


mabuhay ang electric fans...

Tunay na cosplayer chronicle presents: pandikit ng tunay na cosplayer

sa tagal mo nang nabubuhay sa earth, marami ka nang naencounter na pandikit. may ibang madikit, yung iba parang kulangot lang, yung iba kanin.. yung iba nga tuwang tuwa na sa bulldog at mighty bond.

Pero ang tunay na cosplayer ay alam na alam kung ano ang greco. Hindi yung mga greco sa movie na 300, pero greco na nasa bote.




yung iba nga kinosplay pa to eh... para daw dikit lang ang scoring sa cosplay competition.

sa tagal ng panahon, mas kailangan daw ng mas madikit na formula kaya eto ang new and improved version:


parang Milo lang na may new and improved foil pack na may 20% free.


akalain mong meron pala neto.... stiggg....