Ang blog na to ay puro kalokohan at katatawanan lang. kung mapapansin nyo, ang format nito ay kaparehas ng blog ng tunay na lalake dahil idol namin sila at astig sila. binuhay lang namin ulit ang blog na ito mula sa (tanginadikosasabihinpanagalankodahilhinahanapnyokungsinoako).multiply.com/blogngtunaynacosplayer nung multiply pa ang uso sa mga cosplayer, siguro year 2008 pa yata yun. malamang hindi nyo babasahin tong intro kasi mahaba.
Saturday, March 8, 2014
Special consideration
Maaaring hindi nya alam, pero may potential syang maging isang tunay na cosplayer dahil sa mga sumusunod;
1. Ang tunay na cosplayer, minsan may natatagong talento sa photoshop.
2. Ang tunay na cosplayer, kadalasan, gumagamit ng mga japanese name. Impluwensya man ito ng barkada o sarili nyang desisyon.
3. Ang sino mang nakakaalam ng anime series na naruto ay may malaking posibilidad na maging cosplayer, Yan ang entry level namin nung panahon ko!
kaya kapatid, manampalataya ka., pwede kang maging tunay na cosplayer!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
wag lang magbasa. makigulo.