Ang blog na to ay puro kalokohan at katatawanan lang. kung mapapansin nyo, ang format nito ay kaparehas ng blog ng tunay na lalake dahil idol namin sila at astig sila. binuhay lang namin ulit ang blog na ito mula sa (tanginadikosasabihinpanagalankodahilhinahanapnyokungsinoako).multiply.com/blogngtunaynacosplayer nung multiply pa ang uso sa mga cosplayer, siguro year 2008 pa yata yun. malamang hindi nyo babasahin tong intro kasi mahaba.
Tuesday, March 11, 2014
Poli Dread: Tunay na Cosplayer
Mga bata, nung unang panahon na di pa uso ang rubber sheets, uso na ang mech cosplay. Kung titignan natin at magbabalik tanaw tayo sa sinaunang panahon ng ancient cosplay dito sa pinas, cardboard lang styro at kung ano ano pang material ay nakakagawa na ng malulupet na costume. Kaya ang rule na to ay alay natin sa isa sa mga iniidolo ko nung panahon nila sa pagcocosplay.
Ancient tunay na cosplayer rule:
Ang sino mang nakakagawa ng malulupet na costume gamit ang karton, styro, foam ng sofa, recycled na dyaryo at kung ano ano pang material bukod sa rubber sheet ay tunay na cosplayer.
"nako, sirasira na siya agad after ng parade. parang yung cartoons lang. after gampanan ang trabaho niya: KABOOM"
ay sorry, di pa pala thursday para mag throwback.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
wag lang magbasa. makigulo.